
Handa na ang lahat ng sistema para sa panibagong makasaysayang kabanata at puno ng aksiyon sa mixed martial arts ng Universal Reality Combat Championship sa pagsipa ng URCC Kaogma Collision 2 sa Mayo 25, 2025 sa Fuerte Sports complex, Capitol Grounds, Cadlan Pili, Camarines Sur na balwarte ng mga Villafuerte
Tampok sa naturang bakbakang main event ng URCC Flyweight championship ang banggaan nina Rene Catalan, Jr. kontra mapanganib na si Eros Baluyut.
Abangan din ang tunggalian para sa URCC Featherweight interim championship nina Jun Hyung Lee ng South Korea laban kay Jayson Margallo ng Pilipinas.
Maglalabu-labo naman sa 3v3 team Battles ng Team Manila vs Team Bicol at Team Pinas vs Team World ayon kay URCC MMA officer/ match maker Aaron Catunao.
Eksplosibo rin ang bakbakan sa undercand matchups across 115 to 160 pounds.
“Inaanyayahan natin ang lahat ng Bicolano Martial Arts enthusiasts na saksihang personal ang eskplosibong banggaan sa ating URCC Kaogma Collision 2 sa CamSur na ihu-host ng ating kaisport na Villafuerte Political clan sa lalawigan,, BAKBAKAN NA!” pahayag ni URCC MMA Founder/chief Alvin Aguilar sa DEFTAC.
More Stories
2-STAR GENERAL INIREKLAMO NG PANGGAGAHASA NG 2 SUNDALO, SINIBAK SA PWESTO
RISA GAME MAGING PAMBATO NG OPOSISYON SA 2028
Pagkapanalo ng ilang kandidato sa Eleksyon 2025, hindi dapat i-attribute agad sa ‘youth vote’ — Sociologist