NASAKOTE ng pulisya ang isang wanted person na miyembro ng ‘Parojinog Group’ matapos matunton sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado na si alyas ‘Jose’.
Alinsunod sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”, agad nagsagawa ang DSOU sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva, kasama ang mga tauhan ng NPD-DID at NDIT-RIU NCR ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5 ng hapon sa Lamesa Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Ani Major Villanueva, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Merianthe Pacita M Zuraek ng Regional Trial Court Branch 51, Manila noong February 22, 2021, para sa kasong Robbery by a Band under Art. 294 (5) in relation to Art. 295 and Art. 296 or Revised Penal Code as Amended.
Pansamantalang ipiniit ang akusado sa NPD-CFU sa Langaray Street, Kaunlaran Village, Barangay 14, Caloocan City habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA