TULUYAN nang tinalikuran ang pagiging terorista ng isang miyembro ng New People’s Army na nag-o-operate sa Tanay, Rizal at Siniloan, Laguna bitbit ang kanyang armas sa Antipolo, Rizal.
Pinangasiwaan ng mga tropa mula 80th Infantry Battalion, Rizal PNP, Antipolo PNP at Jalajala PNP sa Sitio Apa sa Barangay Calawis, Antipoli City ang pagsulo ng isang alyas Kaka, miyembro ng KLG Narciso mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4A.
Bitbit ni alyas Kaka ang isang Garand rifile, 15 rounds ng 7.62×63 mm live ammunitions, 10 piraso ng 40mm grenade launcher ammunitions, tatlong M1 Garand clips at isang berde na sweatshirt na may logo ng NPA.
“More rebels are now becoming fully aware of the fact that they are only being deceived by the CPP-NPA-NDF. This is why we are continuously urging those who are still in arms to heed our call for peace and return to the folds of the law and be part of the peace and development of Southern Tagalog,” wika ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!