KINUMPIRMA ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pagkamatay ng isang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) rebel sa naganap na engkwentro sa malayong barangay ng Milagrosa sa Sta. Catalina, Negros Oriental kaninang umaga.
Bagama’t hindi pa nakikilala ang narekober na katawan ng nasawing rebelde.
Nasamsam naman sa lugar ang M653 rifle, isang anti-personnel mine, apat na magazine ng M653 (20 rounds cap), tatlong magazine ng M653 (30 rounds cap), 40 rounds ng 5.56 mm ball, isang electrical tester, tatlong lithium batteries, isang bandolier, limang backpack na may personal na gamit, tarpaulin at food stuff.
Naganap ang engkwentro dalawang araw matapos mapatay ang isang tropa ng sundalo sa naganap ding bakbakan sa Sitio Taleo.
Nagsasagawa ang tropa ng gobyerno ng strike operation laban sa mga nalalabing miyembro ng South East Front ng NPA matapos makatanggap ng impormasyon na may mga armadong kalalakihan sa naturang lugar.
Sa unang engkwentro, nasabat ng tropa ang dalawang kalibre ng .45 pistols, tatlong magazine ng Calibre .45, 11 live ammunitation para sa Caliber .45, isang granada at mga personal na gamit.
Nangako si Maj. Gen. Marion Sison, 3rd Infantry Division commander na ipagpapatuloy nila ang operasyon laban sa mga rebelde.
“This incident (death of a soldier) will not dampen our spirits but will further serve as our motivation to aggressively pursue the remaining members of the Communist Terrorist Group,” ani Sison. “We will make sure that this ultimate sacrifice paid by our soldier-hero will not be in vain. We will not rest until none of them remain to continue their futile and senseless armed struggle,” dagdag niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA