KULUNGAN ang kinasadlakanang isang miyembro ng bagong indentified na small time gunrunning syndicate na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at kalapit na probinsya ng Bulacan matapos matiklo sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group Northern Field Unit (CIDG-NFU) chief P/Lt. Col. Nicanor Ladesma III ang naarestong suspek bilang si Nico Bonabon, 30 ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Ladesma, dakong alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/CMS Roberto Borromeo, P/SSgt. Jake Balberde td P/Cpl. Rex Ivan Laurenana ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. 21, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspoek ang P500 marked money na kanyang tinanggap mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer kapalit ng isang cal. 22 revolver na may anim na bala.
Sa intelligence report na nakalap ng National Capital Region-Criminal Investigation Unit (NCR-CIDU), si Bonabon kinilala bilang miyembro ng bagong organized criminal group na “Nicko Gun-running Group” na sangkot sa gun running at pagbebenta ng illegal drugs sa Caloocan City at probinsya ng Bulacan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY