ARESTADO ang isang umano’y miyembro ng gunrunning syndicate na may sentro ng operasyon sa northern area ng Metro Manila matapos salakayin ng pulisya sa bisa ng search warrant ang kanyang pinagkukutaan sa Caloocan City.
Nakuha nina P/Maj. Edsel Ibasco, Commander ng Caloocan Police Sub-Station-12, ang isang semie-automatic grease gun na may 10 bala ng kalibre .9mm sa magazine sa suspek na si alyas “Egay”, matapos maaresto sa kanyang kuta sa Phase 9, Package 4, Block 40, Lot 8, Brgy. 176 Bagong Silang dakong alas-9 ng umaga.
Sa kanyang ulat kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, sinabi ni Maj. Ibasco na nakatanggap sila ng impormasyon na ginawang kuta ni Egay ang naturang lugar para sa pag-aalok at pagbebenta ng baril sa kanyang mga buyer.
Isinailalim ng pulisya sa surviellance operation ang suspek hanggang makakuha sila ng sapat na impormasyon sa taong personal na nakakakilala kay Egay, pati na ang kanyang mga criminal record sa ilang mga korte, na kanilang nagamit upang makapag-apply ng search warrant sa hukuman.
Nang maglabas ng search warrant si Caloocan Regional Trial Court (RTC) Judge Glenda K. Cabello-Marin ng Branch 124 nitong Enero 26, 2024, kaagad isinagawa ng SS12 ang pagsalakay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakumpiska sa baril na walang kaukulang dokumento.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA