NASABAT ng mga awtoridad sa isang miyembro umano ng “Erwin B Drug Group” ang mahigit P.3 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang bust bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang naarestong suspek bilang si Michael Panogan, 34 ng Barangay San Roque, Navotas City.
Si Panogan ay naaresto ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col. Renato Castillo sa buy bust operation sa Gen San Miguel St., corner Buklod ng Nayon St., Barangay 8, Caloocan City dakong alas-12: 50 ng madaling araw matapos binintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang undercove police na nagawang makipagtransaksyon sa kanya.
Ani Castillo, nakumpiska sa suspek ang humugi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱340,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri ni Peñones ang DDEU sa matagumpay na drug operation habang kinasuhan naman ang suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON