
SWAK sa malamig na rehas ang isang criminal gang member na wanted sa kaso ng ilegal na droga matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang akusado na si alyas “Buknoy”, 45, na nakatala bilang No. 10 Top Most Wanted Person sa lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa lungsod ang presensya ng akusado.
Katuwang ang mga operatiba ng Station Intelligence Unit, agad nagsagawa ng joint operation ang Warrant and Subpoena Section na nagresulta sa oagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:30 ng umaga sa L. Santos Street, Barangay Tangos South.
Si ‘Buknoy’ ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court Branch 288, nitong May 9, 2025 para sa paglabag sa Section 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
More Stories
5 Patay, Kabilang ang Sanggol at 2 Bata, sa Sunog sa Pasig
₱200 DAGDAG-SAHOD LUSOT SA KAMARA
₱450K HALAGA NG HIGH-GRADE MARIJUANA NASAMSAM SA MARIKINA