
TODAS ang isang mister matapos mabangga ng isang truck habang tumatawid sa kahabaan ng C4 Road sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Robert Riza, 36 ng Block 89 Lot 3 Kawal Purok 4, Dagat-dagatan Ave. Brgy.28, Caloocan City.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang driver ng Isuzu Kama Truck na may plakang (ZGU124) na si Jaime Mendoza, 64 ng Block 24 lot 4 Paraiso St. Exodus, Floodway, Taytay Rizal.
Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, tumatawid ang biktima sa kahabaan C4 Road, harap ng Malabon City Square, Brgy. Longos nang mabangga ng truck na minamaneho ng suspek.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nagtamo ng pinsala sa ulo na naging dahilan upang agad na isinugod ng rumespondeng MDRRMO rescue sa nasabing pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival habang nadakip naman ang suspek.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente