SA kulungan ang bagsak ng isang mister na wanted sa kaso ng pagpatay matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang naarestong akusado sa alyas na “Jonie”, 39, may-asawa ng Marilao, Bulacan.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt. Col. Sales na nagsagawa sila ng manhunt operation kontra wanted persons, katuwang ang NPD-DID, NDIT-RIU, NCR, at Baroy MPS LDNPPO na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:15 ng hapon sa kahabaan ng McArthur Brgy., Malanday, Valenzuela City.
Ani Lt. Col. Sales, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Alan L. Flores ng Regional Trial Court 12th Judicial Region Branch 07, Tubod, Lanao Del Norte noong October 18, 2004, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Costudial Facility Unit ng NPD ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng kanyang commitment order mula sa korte.
More Stories
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI
PH ARMY MOST TRUSTED, TOP PERFORMING AGENCIES SA Q4 2024 – OCTA