December 28, 2024

Mister isinelda sa baril, mga bala sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang isang 49-anyos na lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril at mga bala sa harap ng kanyang bahay sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela City police chief, P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek ang naarestong suspek bilang si Alfredo Paranis Jr ng Gregorio St., Barangay Lingunan.

Ayon kay Sub-Station-6 commander PCpt Manuel Cristobal, nagsasagawa ng anti-criminality operation sina PSMS Robert Santillan at Pat Michael Cedric Patac sa nasabing lugar nang mapansin nila si Paranis na may hawak na isang caliber .45 pistol.

“Nung nakita n’ya po kami na papalapit sa kanya, bigla n’ya po ipinasok sa sling bag n’ya ‘yung baril kaya po nilapitan po namin agad,” ani Santillan.

Kinompronta ni Santillan ang suspek at nang kapkapan ay nakumpiska sa kanya ang nasabing baril na kargado ng pitong bala, dalawang extra magazines na kargado ng mga bala, 32 pirasong bala at sling bag.

Sinabi ni Santillan, walang naipakitang lisensya o kahit anung kaukulang mga documento ang suspek sa kanyang baril kaya’t pinosasan nila ito saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Ani PCpt Cristobal, kasong paglabag sa Republic Act 10591 or the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isinampa nila kontra kay Paranis sa piskalya ng Valenzuela City.