Shoot sa kulungan ang isang mister na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos madakma sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.
Kinilalan ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Rogelio Rivera alyas “Doro”, 47 ng 3034 Urrutia St., Brgy. Gen T. de Leon.
Sa ulat ni PSSg Ana Liza Antonio, may hawak kaso, kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa Urrutia Street kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Franciz Cuaresma na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ng P500 halaga ng droga.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.
Narekober sa suspek ang humigit-kumulang sa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, buy-bust money, P300 cash, coin purse at cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA