November 5, 2024

MISSION ACCOMPLISHED KA, NOY – AQUINO SISTERS


INAMIN ng magkakapatid na Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Victoria Elisa Aquino-Dee at Kris Aquino na nagulat silang lahat sa sinapit ng kapatid na si ex-Presidente Benigno “Noynoy” Aquino lll.

Isang oras na ang nakararaan habang sinusulat namin ang balitang ito nang humarap sa media ang apat na naulilang kapatid ni P-Noy.

Humingi muna ng dispensa si Pinky sa media dahil naghintay pa sila at nasa loob pa ng hospital ang kanilang kapatid. Sumailalim pa raw kasi sa swab test si P-Noy at minabuti nilang sa labas na lang ng hospital harapin ang press dahil sa health protocols.

“Iri-release po ‘yung kapatid (P-Noy) namin kapag natapos na ang kanyang swab test at kaya dito na rin namin ginawa (labas ng hospital) para hindi rin kayo ma-expose sa loob ng hospital,” pahayag ni Pinky.

Narito ang official statement ng pamilya Aquino na binasa si Pinky,  “Kagaya ng serbisyong ibinigay niya sa bayan hindi maingay na trabahong galing sa puso dahil alam niya kayo ang boss niya kaya nga nakilala siya bilang si PNoy dahil ayaw niyang maramdaman na bigyan siya ng kakaibang pansin hangarin niyang hindi mapahiya sa inyo dahil sa paghikayat na mahirap man pero tama na sundin ang daang matuwid.

“Nagawa niya ang lahat ng ‘yun, masakit po para sa amin na tahimik niyang tinanggap ang mga batikos.  Natatak sa aming magkakapatid na nu’ng sinabihan namin siyang ‘magsalita at labanan ang mga maling haka-haka’ simple lang ang sagot niya sa amin, ‘kaya pa niyang matulog sa gabi.’

“Hinarap niya ang lahat ng imbestigasyon at akusasyon, Sandigan Bayan November 2017, Senado, Decembrer 2017 at Kongreso nu’ng February 2018.

“When you enter public service, when you serve with honesty and dignity and you know you have committed no crimes against the people hindi ka matatakot magsabi ng totoo.

“Pribado po siyang tao bago pa man ang pandemic labas pasok nap o siya sa hospital. Nais naming magpasalamat sa lahat ng mga duktor at sa lahat ng medical team na nag-alaga sa kapatid namin.

“Naramdaman namin bilang mga kapatid niya that we did everything to make him comfortable.  He became compassionate friends who gave him true respect by valuing and protecting his privacy.

“Sa lahat ng mga totoong kaibigan niya na walang palya siyang dinadalaw, tine-text, pinapadalhan ng pagkain sinasamahan at pino-protektahan siya, salamat po.

“Sa mga madre at pari na malapit sa pamilya namin na walang sawang pinagdasal ang kanyang paggaling, salamat din po.

“Sa tropa niya, kay Ivy at siguro ang numero uno sa listahan si Yolly na 30 years siyang inalagaan, lahat ng kasama niya sa Times Street na mula nu’ng pandemic ay bihirang nago-off dahil alam nila na delikado para sa kanya (P-Noy), salamat.

“Sa mga botante ng 2nd district ng Tarlac noong 1998, kayo ang unang bumoto sa kanya, sa inyo siya nagsimula three terms ang nabuo niya.

“Sa 14.3 million Filipinos noong 2007 voted for him to become senator and sa 15.2 million Filipinos na nagtiwala sa kanya noong 2010 at ibinigay ang pinakamalaking karangalan na puwedeng ipagkaloob sa kahit na sinong Pilipino habang buhay naming tatanawin na utang na loob ‘yung naibigay ninyo sa aming kapatid, maraming-maraming salamat po.

“It is with profound grief that on behalf of our family I am confirming that our brother Benigno ‘Noynoy’ S. Aquino lll died peacefully in his sleep.

“His death certificate pronounced his death at 6:30AM due to renal disease secondary to diabetes.  No words can express how broken our hearts are and how long it will take for us to accept the reality that he is gone.

“Mission accomplished ka Noy, be happy now with Dad and Mom.  We love you and we’re so blessed to have had a privilege to have had you as our brother.  We will miss you forever Noy.”

Habang binabasa ng ate Pinky ni Kris ang liham ay nangingilid na ang mga luha nito habang nakikinig at panay ang tango.

Si P-Noy ay nagsilbi sa bayan noong 2010 hanggang 2016 at siya an gating 15th Presidente ng Pilipinas.