November 5, 2024

MISS INTERNATIONAL 2020 KANSELADO

Kinumpirma na ng Miss International Organization ang pagkansela na pageant activities at coronation para sa taon ng 2020 ng Miss International pageant.


Sa inilabas na official statement ng Miss International organization pinahayag nila ang kanilang desisyon na ipagpaliban na muna ang pagpapasa ng 60th edition sana ngayong taon ng Miss International pageant dahil sa COVID-19.

“Taking into consideration the health and safety issues, as well as the ongoing global impact caused by the Covid-19 Pandemic, we have come to a conclusion to cancel this year’s Miss International 2020 pageant, which was originally scheduled to be held this fall,” pahayag ng pageant organization sa kanilang Instragram.


“We would like to express our deepest regret especially to the participants from all over the world, and to all those who have been supporting  our event every year. We humbly ask for understanding in light of this circumstance which is beyond our control,”  dagdag pa ng organisasyon.

Si Sireethorn Leearamwa ng Thailand ang 2019 Miss International.

At sa dahil sa cancelation ng pageant ngayong taon, inanusyo rin Miss International Organization ang bagong age limit para sa mga aspiring beauty queens na naudlot ang pangarap na maging susunod na Miss International.

Kung dati ay 18-27 years old ang age limit, adjusted na rin ang age limit para sa susunod na edisyon ng Miss International.

Miss International age limit has changed! For the 60th Miss International, we are very pleased to announced that we will accept national delegates who are between 18 to 28 years old!,” statement ng Miss International pageant sa kanilang social media post.

It’s going to be another long week ahead! Keep smiling, invite positive energy and always remember to wear your invisible crown! Bint’s going to wear her visible crown until next year, while the rest of us also get the chance to make a lifelong impact to someone when we share the invisible crown of love and compassion.”

Matatandaan na postponed until further announcement naman ang desisyon ng Binibining Pilipinas Charities Inc kung itutuloy pa ba ang inaabangan na Binibining Pilipinas 2020 kung saan kokoronahan ang kandidata mula sa Pilipinas.

Si Patricia Bea Magtanong ang reigning queen ng Binibining Pilipinas International na inaasahan na magpapasa ng titulo sa susunod na kandidata.