September 19, 2024

MISIS NI NOLI DE CASTRO, PUMANAW NA

PHOTO: KAT DE CASTRO/FB

SUMAKABILANG buhay na ang misis ni dating vice president at journalist na si Manuel “Noli” de Castro.

Ito ang kinumpirma ng anak nilang si Katherine “Kat” de Castro sa Facebook.

“My Mom passed away this morning. Thank you for your prayers… I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop,” saad ni Kat.

Ayon sa ulat, si Arlene ay 66-anyos nang bawian ng buhay.

nang naging bahagi si Arlene ng MBS-4 (Maharlika Broadcasting System) noong 1981. At nang matapos ang EDSA revolution noong 1986, executive producer na siya ng mga naglalakihang news and current affair program ng ABS-CBN.

Ilan sa mga ito ay ang “PEP Talk” ni Loren Legarda, “Good Morning Philippines” ni Merce Henares, at “Magandang Umaga Po” ng kanyang mister na si Noli de Castro, at Korina Sanchez. Taong 1990 nang magi siyang Vice President of the Current Affairs Department of ABS-CBN na siyang nasa likod ng matatagumpay na progrmang “Magandang Gabi Bayan (MGB),”  “Assignment,” “Pipol,” at “Dong Puno Live.”

Isa sa pinakuhuling programa na kanyang na-produce ay ang “Kabuhayan Swak na Swak” na pumatok din sa publiko.