January 28, 2025

MINDANAO LEG NG VISMIN SUPER CUP, SINUSPENDI NG GAB

Sinuspendi ng Games and Amusement Board (GAB) ang Mindanao leg ng 2021 Pilipinas VisMin Super Cup. Nakalagay din ang liga sa under re-evaluation.

Ito’y bunsod ng kontrobersiyal na kinasangkutan ng Siquijor at ARQ Builders Lapu-Lapu.

 “The Games and Amusements Board today suspended the Mindanao leg of the VisMin cup and put the league for re-evaluation.”

“We are in the process of investigation and seriously looking into the allegations of wrongdoing. The board would like to further observe the ongoing Visayas leg before giving a go signal for the other [competition],” saad  ni Chairman Baham Mitra.

Sa ngayon, ang Visayas leg ay mayroon na lamang 6 teams matapos baklasin ang Siquijor.

Sisimulan na lang ang Mindanao tourney pagkatapos ng Visayas leg.

Ito ay mayroong 9 teams. Muling magbabalik-aksyon ang liga sa May 20 sa Dipolog City.