NASABAT ng Bureau of Customs o BOC ang dalawang shipment ng pekeng sigarilyo na tinangkang ipasok sa bansa sa pamamagitan ng Port of Subic.
Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng ₱66-na milyong piso ang fake na sigarilyong nakalagay sa magkahiwalay na container van na dumating noong Mayo 28, 2021
Ayon pa sa BOC, noong May 19, 2021, isang forty-footer container na sinasabing naglalaman ng footwear ang dumating sa Port of Subic at naka-consigned sa isang RNRS Trading.
Isa pang shipment ang kasabay na dumating sa Port of Subic na lulan ng 1×40’ shipment ng cartons film (stretch) na naka-consigned sa Heybronze Non-Specialized Wholesale Trading.
Nang isalang sa eksaminasyon, natuklasan na ang mga fake na sigarilyo na may tatak na brand ng Marvels Menthol, Marvels Filter, Two Moon Filter, Two Moon Menthol, Fort Menthol 100’s, Mighty Menthol, Champion at Jackpot.
Ayon kay District Collector Maritess Martin mayroon ng Warrants of Seizure and Detention para sa mga nasabing kargamento na lumabag National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular kaugnay sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines; Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO