Sumampa na sa 2021 NBA Finals ang Milwaukee Bucks matapos daigin ang Atlanta Hawks. Kinilaw ng Bucks ang Hawks sa iskor na 118-107 sa Game 6 ng Eastern Conference Finals.
Tinapos din ng Milwaukee ang series sa 4-2. Muli silang nakatuntong sa finals matapos ang 47 taong paghihintay. Huling pumalaot sa finals ang Bucks noong 1974. Kung saan tinalo sila ng Houston Rockets sa series na 4-2.
Nanguna sa opensa ng Bucks si Khris Middleton na bumira ng 32 points, 4 boards at 7 assists. Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 27 points, 9 boards at 9 assists.
Sa panig naman ng Hawks, nagtala si Bogdan Bogdanovic ng 20 points, 3 assists at 2 boards. Habang si Trae Young ay kumana ng 14 points, 4 boards at 9 assists.
Medyo di nagpaiwan ang Hawks sa kalamangan sa first half ng laro. Pero, rumatsada ang Bucks at lumamang ng 20 points.
Nagawang makahabol ng Hawks at naibaba ang deficit sa 7 sa fourth quarter. Kapwa umulan ng 3-point barrage ang bawat team. Pero, mas nakahihigit ang Milwaukee.
Makahaharap ng Bucks ang Phoenix Suns sa NBA Finals.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!