Nakabawi ang Milwaukee Bucks sa Phoenix Suns sa Game 3 ng NBA Finals sa isang blow-out win. Sinuwag ng Bucks ang Suns sa iskor na 120-100 at naitarak ang serye sa 2-1.
Nanguna sa panalo ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na umiskor ng 41 points. Nagtala rin ito ng 13 rebounds at 6 assists. Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 21 points, 5 boards at 9 assists.
Habang si Khris Middleton ay bumira ng 18 points, 7 boards at 6 assists. Sa panig naman ng Phoenix, nagtala si Chris Paul ng 19 points at 9 assists. Si Deandre Ayton naman ay bumanat ng 18 points, 9 boards at 2 assists.
Inalagaan ng Bucks ang naitalang kalamangan sa buong laro. Hindi nila pinayagang bumaba ang 20 deficit sa sa regulasyon. Mahalaga para sa Milwaukee ang panalo sa Game 3 dahil malaking bantahe ito upang di sila mabaon sa serye.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA