
Nakabawi ang Milwaukee Bucks sa Brooklyn Nets sa Game 3 ng East semifinals. Sinuwag ng Bucks ang Nets sa Game 3 sa iskor na 86-83.
Kaya naman, itinala ng Bucks ang 1-2 kartada sa series.
Malaki ang naitulong na 68 points combination ng dalawang Milwaukee ballers.
Umiskor si Khris Middleton ng 35 points, 15 boards at 1 assist.
Si Giannis Antetokounmpo naman ay gumawa ng 33 points, 14 boards at 2 assists.
Sa panig naman ng Nets, bumira si Kevin Durant ng 30 points, 11 boards at 5 assists. Habang si Kyrie Irving naman ay kumana ng 22 points, 5 boards at 3 steals.
Muling magtatapat ang dalawa sa Lunes ( Manila time) sa balwarte ng Bucks sa Bradley Center.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY