Kampeon ang Milwaukee Bucks sa 2021 NBA Finals kontra Phoenix Suns. Tinagpas ng Bucks ang Suns sa Game 6 sa iskor na 105-98. Isa itong milestone at history sa Milwaukee.
Dahil muli silang nagkampeon matapos ang half century o 50 years. Huling nasungkit ng Bucks ang title noong 1971 noong Jabbar-Robinson Era.
Bumida sa panalo ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na bumuslo ng 50 points. Gayundin ng 14 board at 5 blocks.
Siya rin ang itinanghal na Finals MVP. Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 17 points, 5 boards at 5 assist.
Si Bobby Portis Jr naman ay bumira ng 16 points at 3 board. Habang si Jrue Holiday ay bumanat ng 12 points, 11 assists at 9 boards.
Sa panig naman ng Suns, gumawa si Chris Paul ng 26 points, 5 assists at 2 boards. Kumana naman si Devin Booker ng 19 points, 5 assists at 3 boards. Habang si Jae Crowder ay bumira ng 15 points, 13 boards at 4 steals.
Sa umpisa ng laro ay nagpasiklap agad ang Bucks aqt lumanang pa ng 14 points. Ngunit, nakalamang ang Suns sa pagtatapos ng first half. Naging dikit pa ang laban sa second half. Ngunit, napanatili ng Bucks ang momentum at kalamangan.
Inalagaan nila ang kalamangan na mula sa 10 hanggang 6 points.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY