
Nagdiwang ang Milwaukee Bucks sa kanilang pagiging NBA Champion. Katunayan, nagtipon-tipon ang mga taga-Wisconsin para saksihan ang championship float parade.
Masaya namang ibinalandra ng ilang Bucks cagers ang title trophy sa parada. Hawak-hawak nila ito habang nagsasaya ang mga tao sa kalsada ng Deer District arena.
Kabilang sa kanila si coach Mike Budenholser. Bucks players na sina Giannis Antetokounmpo, PJ Tucker at Brook Lopez. gayundin sina Khris Middleton at Jrue Holiday.
Si Bobby Portis Jr naman ay may bitbit pang WWE title belt habang nakisaya. Dneklara pa nito ang sarili na “Peoples Champ”.
Sumama rin si Bucks former draft pick Brandon Jennings. Gayundin sina Michael Redd at Marques Johnson.
Nakisama rin sa festivities si Wisconsin Governor Tony Evers. Gayundin si County Executive David Crowley. Na dineklara ang July 22 na ” Bucks in Six Day’.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup