
Nakaisang muli ng panalo ang Milwaukee Bucks ang Atlanta Hawks sa Game 3 ng Eastern Conference Finals. Binoga ang Bucks ang Hawks sa iskor na 113-102. Dahil sa panalo, abanse na sa 2-1 series lead ang Milwaukee.
Impresibo ang ambag ng 71 points combination nina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton. Bumira si Giannis ng 33 points, 11 boards at 4 assists.
Bumuslo naman si Middleton ng 38 points, 11 boards at 4 assists. Sa panig naman ng Hawks, bumanat si Trae Young ng 35 points at 4 assists.
Si Danilo Gallinari naman ay kumasa ng 18 points, 4 boards at 2 steals. Malaki ang epekto sa Hawks ng depensa ng Bucks.
Isa pa, may agam-agam bumira si Young dahil sa nangyaring ankle tweak sa laro. Kaya, di ito gaanong lumagare sa fourt quarter ng laro.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo