
Dinomina ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls sa East Round 1 sa Game 5 ng NBA Playoffs. Binali ng Bucks ang sungay ng Bulls saka pinatumba sa iskor na 116-100. Tinapos ng Bucks ang series sa record na 4-1.
Binuhat ni Giannis Antetokounmpo ang team sa pagbira ng 33 points. Kasama na rito ang 9 rebounds at 3 assists.
Nag-ambag naman si Bobby Portis Jr ng 14 points at 17 rebounds. Lumagare naman sa Bulls si Nikola Vucevic ng 19 points at 16 rebounds. Habang si DeMar DeRozan naman ay tumipa ng 11 points at 7 assists.
Haharapin naman ng Bucks ang Boston Celtics sa semifinal round sa susunod na mga araw.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT