
May mga tao palang nagpu-push kay Kapuso actress Mikee Quintos na pasukin ang politics. Pero, ayon sa kanya, never siyang lulusong dito.
“Marami po ang nagtatanong ng ganyan, pero right now po, decided talaga ako. Parang sure ako na hindi siya para sa akin.“
” Feeling ko, hindi para sa akin ang politics. Ipapaubaya ko na lang sa family ko ang pagiging public servant,” ani Mikee.
Ang mga magulang at kapatid kasi nito ay nasa pulitika. Ayon pa sa kanya, focus muna siya sa kanyang showbiz career. Gayundin sa pag-aaral niya. Target ni Mikee na makatapos ng pag-aaral sa kursong architecture sa UST.
More Stories
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE
Hello, Love, Again” pinarangalan ng Box Office Hit Award sa MIFF 2025
AMA NI ANGEL LOCSIN, PUMANAW NA