December 25, 2024

Mike Tyson at Roy Jones Jr exhibition bout, nauwi sa draw

Nauwi sa draw ang laban nina boxing legend Mike Tyson at Roy Jones Jr sa kanilang eight-round exhibition bout.

Ang laban ng dalawa ay idinaos sa Staples Center na walang spectators sa pay-per-view match-up.

Inilatag ng California State Athletic Commission ang 2-minute rounds sa halip na three minute. Gayundin ang mas malaking gloves kumpara sa normal na 12-ounce gloves.

Sa gayun ay hindi kalabisan sa 54-anyos na si Tyson at 51-anyos na si Jones.  

 “Sometimes that two minutes felt like three minutes,” ani Tyson.

I’m glad I got this under my belt and I’m looking forward to doing it again.”

Sa “unofficial” panel ng former World Boxing Council champions sa ringside ang nagbigay ng scored na draw. Ito’y sa kabila na mas  impresibo ang ipinakita ni Tyson sa laban.

I’m good with that,” ani Tyson na akala’y siya ang nanalo sa laban.

Yeah, but I’m good with a draw. The crowd was happy with that.”

Sa panig naman ni Jones, hindi siya masaya sa resulta ng boxing bout. Pero, inamin nasaktan siya sa mga body blows sa kanya ni Tyson.

 “I ain’t never happy with a draw. I dont do draw,” ani Jones.

If he hits you with his head, punches, body shots, it don’t matter, everything hurts.”

“Body shots definitely took a toll. Body shots are what makes you exhausted,” ani Jones.