Pasok ang mga pangalan nina dating Commission on Audit (COA) chairperson Michael Aguinaldo at Special Assistant to the President Anton Lagdameo, sa lumalaking listahan ng posibleng pumalit kay Executive Secretary Vic Rodriguez.
Ayon sa Iskooper ng Politiko.com.ph, malaking kalamangan nina Aguinaldo at Lagdameo ang pagiging malapit sa mga Marcoses sa napapabalitang pagpili sa bagong Executive Secretary.
Si Lagdameo ay childhood friend ni Marcos habang si Aguinaldo ay malapit sa Pangulo at kay First Lady Liza Araneta Marcos na dumalo pa sa kasal ng dating COA chief taong 2015.
Kasama rin sa nag-uunahan sa karera para sa nasabing puwesto ng “Little President” ang isang alyas Dark Horse (DH) na humawak sa isa sa mataas na posisyon ng Aquino administration.
Malapit umano si DH sa First Lady dahil magkasama itong nagtrabaho ng ilang taon at matalik na kaibigan sa kabila ng pagkakaiba nila sa politika.
Una nang iniulat ng Politiko na sina Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla and Interior Secretary Benhur Abalos ang posibleng pumalit kay Rodriguez.
Usap-usapan sa Malacañang na malapit nang magbitiw si Rodriguez. Bagama’t itinatanggi niya na nag-resign na siya sa kanyang puwesto.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA