
Si Miguel Tanfelix ang bagong tinaguriang international clothing line ambassador ng H&M. Sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi raw sukat akalain ni Miguel na may blessings na darating sa kanya kaya ganun na lamang ang pasasalamat niya sa Dios.
Siya ang tumatayong endorsement project ng H&M at bumilib sa kanya ang nasabing company dahil bagay sa kanya ang bagong line of clothing.
“Hindi ko nga sukat akalain dahil very unexpected po talaga. Especially during quarantine, hindi ko talaga maisip na biglang pumasok iyang project na iyan. Sobrang saya ko talaga at abot ang aking pasasalamat sa Dios,” salaysay pa ni Miguel.
Makikita sa kanyang Instagram ang series of photos niya na suot ang collection of graphic tees at hoodies ng H&M.
More Stories
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
SM Supermalls at DOLE, Maglulunsad ng Nationwide Job Fair sa Araw ng Paggawa