
Masaya si volleybelle Michele Gumabao sa bago niyang tinahak na karera. Ito ay ang pagpalaot sa politics. Kung saan ay rumatakbo siya bilang second nominee sa party-list na ‘Mother’s for Change’ (MOCHA). Kumakatawan ang Creamline Cool Smashers volleybelle sa nasabing party-list.
Malaking moral boost kay Michele ang ginawang endorsement ni Pangulong Duterte. Kaya, kumpiyansa siya na makakakuha ng puwesto ang MOCHA sa kongreso.
Dala ng kasiyahan, nagawang ipost ng isa ring beauty queen ang litrato kasama si Pres. Duterte. Na makikitang itinataas ng Pangulo ang kanyang kamay bilang endorsement.
Kung papalaring makapasok, hindi pa rin naman bibitiwan ni Michele ang paglalaro ng volleyball. Kung hindi conflict sa trabaho, maamang na makikita pa siyang naglalaro sa court.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo