Kinapos si Michael Christian Martinez sa kanyang pagsampa sa 2021 CS Cup of Austria sa Merkur Eisstadion sa Graz. Nakapagtala lang siya ng 57.50 points at nagtapos sa 25th place.
Marahil ay kinakalwang pa si Martinez dahil sa tatlong taong pagkakatengga sa skating.
Gayunman, muli na niyang nakukuha ang kanyang ritmo. Nitong nagdaang buwan, sumalang siya sa Finlandia Trophy.
Sa kanyang pagsalang, nagpamalas siya ng decent double axel. Ngunit, lumanding sa quarter sa isinunod nyang triple lutz. Kaya naman, natumba siya sa ice na naging rason ng mababa niyang iskor sa GOE na minus 5. Gayundin ng subsequent deduction.
Gayunman, balak bumawi ng 2-time olympian at SEA Games silver medalist sa susunod na salang. Muling siyang kakalampag sa free skate na idaraos mamayang alas 7:30 ng gabi (12:30 PM naman sa Austria).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2