
Dalawang sunod na gabi nang minamalas ang Miami Heat sa kanilang road game sa Los Angeles. Natalo sila kahapon sa LA Lakers, 120-117. Ngayon naman ay pinilipit sila ng Los Angeles Clippers sa iskor na 112-09.
Ang masakit, tinambakan ng Heat ang Clippers sa kaagahan ng laro ng 17 points. Ngunit, nakaalikwas ang huli sa pangunguna ni Paul George. Nagtala si George ng 27 points, 5 assists, 4 boards at 3 stl.
Nag-ambag naman si Reggie Jackson ng 22 points, 3 boards at 2 assists. Habang si Eric Bledsoe naman ay bumira ng 21 markers, 3 boards 3 ast at 3 blk. Sa panig naman ng Heat, kumana si Bam Adebayo ng 30 points at 11 boards.
Habang si Kyle Lowry naman ay bumanat ng 25 points at 5 assists. Si Tyler Herro naman ay bumuslo ng 23 points, 7 rebounds at 3 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT