MIAMI (AFP) – Minasaker ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa Game 1 ng NBA finals, 116-98. Kaya naman, naitarak ng Lakers ang 1-0 sa best-of-seven series sa finals.
Nanguna sa panalo ng Los Angeles si Anthony Davis na nagbuslo ng 34 points, 9 boards at 5 assists. Nag-ambag naman si LeBron James ng 25 points, 13 boards at 9 assists.
Sa panig naman ng Heat, gumawa si Jimmy Butler ng 23 points, 2 boards at 5 assists. Umasiste naman si Kendrick Nunn ng 18 points, boards at 2 assist.
Lumamang ang Miami sa first quarter ng 13 points. Ngunit, nahabol ng Lakers sa second quarter. Nagtapos ang first half sa 65-48 bitbit ang 17 points na kalamangan.
Pagsapit ng third, lumayo ang Lakers at umabot pa sa 32 points ang lamang. Malaking bagay sa Lakers ang deflated na line-up ng Miami.
Ito’y bunsod ng pagkakaroon ng injury ni Goran Dragic at Bam Adebayo. Iniinda naman ni Butler ang natamong twisted ankle nito.
Target ng Lakers na makatabla sa record ng Boston Celtics na may 17 NBA titles. Ang Game 2 ay idaraos sa Biyernes (ET/9:00 PM), araw ng Sabado (PH time/ 9:00 AM).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2