December 24, 2024

Miami Heat, bumiyahe na sa NBA finals pagkatapos tustahin ang Celtics, 125-113

Tinusta ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Game 6 ng NBA Eastern Conference finals, 125-113.

Kaya naman, bumiyahe na sa NBA finals ang Heat. Kung saan makahaharap nito ang Los Angeles Lakers. Ito na rin ang ika-6 na NBA finals appearance ng Miami sa kabuuan.

Bumida sa panalo ng Heat si Bam Adebayo na gumawa ng 32 points at 14 boards. Nagdagdag naman si Jimmy Butler ng 22 points at 8 assists. Nagdagdag naman ng 19 points si Tyler Herro.

I couldn’t let my teammates down like I did in the game before,” ani Adebayo.

I just went out there and tried to execute and make plays and I did that tonight.”

Nag-ambag naman ng tig-15 points sina Duncan Robinson at Andre Iguodala. Trese punto naman ang dinagdag ni Goran Dragic.

This group, more than anything, they just love to compete,” saad ni Heat coach Erik Spoelstra nang iprinisenta ang Eastern Conference trophy.

Sa panig naman ng Celtics, gumawa ng 26 points si Jaylen Brown. Nag-ambag naman si Jayson Tatum ng 24 points at 11 assists.

Kapwa nagtala naman ng 20 points sina Marcus Smart at Kemba Walker.

Gumawa rin ng history ang Heat bilang fifth seed na rumekta sa finals. Sila ang lowest seeded team na umabot sa finals sapol nang gawin ito ng New York Knicks noong 1999.

Nakaharap ng eight-seeded na Knicks ang San Antonio Spurs. Kung saan natalo sila rito sa 4-2 series.

But it’s the fifth-seeded Heat headed to the finals, the lowest seeded team to reach the championship series since the eighth-seeded New York Knicks lost to the San Antonio Spurs in 1999.