Sa kabila ng bagong banta ng virus mula Japan, inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala pa namang naiuulat ang Bureau of Quarantine (BoO) ng anumang posibleng pagpasok ng nasabing infection sa NAIA terminals at patuloy na minomonitor ang mga dumarating na pasahero.
Sinabi rin ni MIAA Spokesman at Head Executive Assistant Atty. Chris Noel Bendijo na base sa kautusan ni Airport General Manager Eric Ines, hiniling ng MIAA sa BOQ na magbigay ng update kung may mamo-monitor itong active cases ng virus para makapaghanda ng mga polisiya na maipapatupad upang hindi na magkaroon ng kontaminasyon.
Naglalagay na ang ahensya ng mga paalala sa paliparan para sa pagsusuot ng face mask, pag-sanitize ng mga kamay, at pagtatakip ng bibig at ilong kung uubo o babahing.
Nilinaw naman ni Bendijo na recommendatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa paliparan at hindi pa ito ikinokonsiderang mandatory.
Ayon sa ahensya, patuloy din ang pakikipag-ugnayan nito sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Bureau of Quarantine (BOQ) na maglagay ng tauhan sa entrada ng paliparan upang ma-monitor ang mga dumarating na pasahero mula sa ibang bansa. ARSENIO TAN
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE