Muling nagsagawa ang pamunuan ng Manila International Airport Authority MIAA ng vaccination para sa mga miyembro ng one-stop-shop dito sa NAIA terminal 4.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal na malaking bagay na gagawing vaccination center ang NAIA terminal 4 habang pansamantalang sarado ang operasyon nito para sa domestic flights dulot ng pandemya.
Sinabi ni Monreal na may higit anim na libong manggagawa ang paliparan kung saan ang iba dito ay sinagot na ng kanilang mga LGUs ang kanilang 1st dose ng bakuna.
Tuloy -tuloy na raw gagawin ng one-stop-shop ang pagbabakuna sa mga miyembro nito kabilang na dito ang MIAA, OTS, Philippine Coast guard, MMDA, TESDA, OWWA, DFA, PNP at iba pang government agency sa ilalim ng NTF for covid-19.
Sa ngayon target mabakunahan ang isang libong individuals na nakarehistro nitong nakaraang linggo kasunod ng unang pagbubukas ng terminal 4 para sa vaccination program ng gobyerno.
Nilinaw ni Connie Bungag head ng Public Affairs Office na June 30 pa ang 2nd dose sa mga nabakunahan noong last week sa NAIA terminal 4
Habang sa July 8 naman ang 2nd dose para sa nabakunahan ngayon araw.
Samantala sa panayam kanina kay Covid-19 czar Secretary Carlito Galvez bukod sa isang million dumating kanina na Sinovac vaccine, lulan ng Cebu Pacific mula China, nakatakda rin umanong dumating mamayang gabi ang 2.2 million doses ng Pfizer vaccine sa NAIA.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna