November 3, 2024

MGCQ sa Marso 1, kailangan na upang umahon sa pagkalugmok ang mga Pilipino

Habang lumuluwag ang sitwasyon, unti-unti namang sumisipa ang bilang ng nagkakaroon ng COVID-19. Marahil dahil sa hindi pagtalima ng ilan sa health protocols.

Gayunman, obserbasyon ng ilan, karaniwan na ang ubo’t sipon, lagnat at iba pa na pwedng iugnay sa virus.

Kasi nga, malamig ang panahon lalo na sa hilagang parte ng Luzon. Partikular sa Mountain Province.

Kung patuloy naman ang maghihigpit, aba’y kawawa si Juan De la Cruz. Lalong mababaon, lalong magugutom.

Kaya nga, para maiwasan na ang pagdurusa dahil sa pandemya, nagpanukala ang National Economic Development Authority (NEDA). Na isailalim sa MGCQ ang buong bansa sa susunod na buwan.

Payag naman dito si Pangulong Duterte. Katunayan, sa kanyang public address, malaki ang maitutulong ng MGCQ upang maiahon an gating mga kababayan sa lalo pang paghihirap. Gayundin sa depresyon at pagkagutom.

Ang rekomendasyon ng NEDA sa Presidente, nararapat na palawigin ang public transportation.

Papayagan na ring lumabas-labas ang nas alimang taong gulang hanggang 70, mula sa 16 hanggang 65. Gayundin ang pagkasa ng face-to- face classes.

Batay sa obserbasyon, kaya nalugmok ang bansa dahil sa mahabang regulasyon ng lockdown o paghihigpit. Na nauuwi na minsan sa diskriminasyon at kalabisan ng reaksyon sa totoong nangyayari.

Kung kaya, maraming pagawaan ang nagsara at maraming obrero ang nawlaan ng permanenteng trabaho.

Dahil ditto, nagdesisyon ang Pangulong Duterte na paluwagin na ang mga restriksyon. Sa gayun ay bumuti na ang lagay ng ating mga kababayan.

Magkagayun lamang, dapat pa ring sundin ang tagubilin. Dapat paring mag-ingat at huwag magmalabis ang karamihan sa unti-unting pagluwag.

Alam naman nating mga Pilipino ang sumunod. Nag-iingat naman tayo. At kung tatanungin ang karamihan, mas nais nilang gayun kaysa sa tumunganga sa wala.

Ayaw nilang magutom ang kanilang pamilya at mas nanaisin pang sumugal sa isang karamdamang nalulunasan naman sa natural na paraan.