November 6, 2024

MGA WAREHOUSE NG TELA SA TAYTAY, PINA-INSPEKSYON NI MAYOR JORIC GACULA

IPINAINSEPKSYON ni Mayor Joric Gacula ang mga warehouse ng tela upang tiyakin na tela lamang at raw materials ang kanilang ibinibenta.



Ito’y alinsunod sa nagpakasunduan ng lokal na pamahalaan ng Taytay at mga may-ari ng warehouse.

“Bawal din sila magpatahi at magbenta ng RTW,” ayon sa alkalde.

Paliwanag ni Gacula, ito’y para hindi makipagkompetensiya ang mga may-ari ng warehouse sa mga tiangge na negosyo ng mga taga-Taytay.

Dagdag pa niya, nag-iikot linggo-linggo ang Business Permit and License Section sa pangunguna ni Ms. Judit Ines upang mahuli ang lalabag sa kasunduan na ito.

Kakanselahin ang business permit sa sinumang hindi susunod sa kasunduan.

Sinabi pa ng alkalde na may ipapasa din ang Sangguniang Bayan na ordinansa para lalong mahigpit sa mga patakaran ng mga warehouse ng tela.

Pangungunahan ni Vice Mayor Mitch Bermundo at Konsi Gene Ressureccion ang nasabing panukala at supportado ng buong Sangguniang Bayan, wika pa ni Gacula.