Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong nakaraang buwan ng Marso, ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA).
Base sa impormasyon mula sa PSA, 4.7 percent ang naitalang jobless rate sa bansa noong Marso, mababa sa 4.8 percent noong Pebrero.
Ito ay higit isang porsiyento naman ito mababa kumpara sa naitala na 5.8 porsiyento noong Marso 2022.
Nangangahulugan na 2.42 milyon noong Marso ang walang trabaho sa 51 milyong Filipino na nasa “labor force.”
Sa unang tatlong buwan, ang unemployment rate ay may average na 4.8 percent mas mababa sa 6.2 percent na naitala sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE