PINIRMAHAN na ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order (EO) No. TMT-040 na nagsasaad na prayoridad sa community testing at hindi na kailangang mag-quarantine pagkatapos sumailalim sa test ang mga public utility vehicle (PUV) drivers, manininda at mangingisda.
Partikular na tinutukoy ang mga sumusunod:
1. Mga driver ng tricycle at pedicab na bumibiyahe sa Navotas at sakop ng hurisdiksyon ng Franchising Permit Processing Unit (FPPU);
2. Mga driver ng mga jeep na may rutang dumadaan sa Navotas at sakop ng hurisdiksyon ng FPPU;
3. Mga driver at konduktor ng mga bus na may rutang nagtatapos sa C4 Bus Terminal;
4. Lahat ng mga nagtitinda sa mga palengke at talipapa, grocery helper at operator, fish broker at kanilang mga empleyado at batilyo na nagtatrabaho sa Navotas, kasama na ang Navotas Fish Port Complex; at
5. Lahat ng mga mangingisda sa Navotas.
Ayon sa alkalde, hindi sakop ng EO ang mga mga indibidwal na close contacts ng pasyenteng positibo sa COVID-19 o nakatira sa mga itinuturing na hot zone o mga lugar na may maraming kaso ng nasabing sakit.
Kapag sila naman ay nagpositibo, bibigyan ng pamahalaang lungsod ang kanilang pamilya ng food relief packs habang sila ay ginagamot.
Iginiit ni Tiangko na napakaimportante na ma-test ang mga nabanggit na indibidwal lalo na’t marami silang nakakasama o nakasasalamuha sa kanilang trabaho.
“Bahagi po ito ng ating pinaigting na Test, Trace, Treat strategy para malabanan ang COVID-19. Muli, inaaanyayahan ko po ang lahat na magpa-test. Ang mass testing ay bukas sa lahat ng mga nagtatrabaho sa mga kumpanya sa Navotas, Navoteño man sila o hindi,” ani Tiangco.
“Our community testing has been extended until July 31. We need 2,000 participants daily. We highly encourage all Navoteños to take advantage of this program. Feel free to visit your barangay if you wish to be tested. Walk-in residents are also welcome. Just bring a valid ID. You may choose to forego quarantine after the test, provided you are not a close contact o live in a hot zone,” sabi pa ng alkalde.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna