November 24, 2024

MGA TIANGGE IPAPASARA (Kung ‘di matutupad ang social distancing)

Nagbabala ang Malakanyang sa mga operator ng tiangge ngayong nalalapit na ang Pasko.

Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang naipatutupad ng tama ang social distancing sa mga tindahan.

Maari aniyang maipasara ang tinagge o anumang establisyimento na hindi nagpapatupad ng social distancing.

“Iri-remind ko lang po ang mga tiangge operators, pupuwede po kayong mapasara kapag hindi po ninyo in-observe ang social distancing,” ayon kay Roque.

Dagdag ni Roque, maari namang namang limitahan ang mga pumapasok sa tiangge.

Kinakailangan din na magkaroon ng special entry at exit point. “Kapag hindi po kayo nag-control ng crowd, baka mapasara kayo, lalo kayong mawalan ng negosyo.” dagdag ni Roque.