

SASAMPAHAN ng kasong kriminal ng dalawang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ilang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) na umaresto at nagkulong sa kanila.
Kasong unlawful arrest ang ihahain ng dalawang motorcycle riders laban sa tauhan ng HPG.
Ayon kay Senator Francis Tolentino, dinismis ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa dalawang tauhan ng MMDA dahil sa kawalan ng batayan at wala silang nalabag na batas lalo na at otorisado ang dalawang dinakip.
Sinabi pa ng senador na labis na naapektuhan ng naturang pagdakip ang pamilya ng dalawang MMDA riders na hinuli at kinulong.
Inihayag ito ni Senator Tolentino nang mamahagi ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS,  katuwang si Vice Mayor Bernard Ninong Dela Cruz sa sa Tugatog, Malabon kung saan mahigit isang libong residente ang nabigyan ng financial assistance at bigas.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN