November 25, 2024

MGA SARADONG ISOLATION FACILITY NG MGA LGU MULING BUBUKSAN

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling bubuksan ang mga isolation facility ng mga Local Government Unit dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang napagkasunduan ng Metro Manila mayors kasunod ng pagpupulong kasama ang mga opisyal ang DOH at IATF.

Ayon kay MMDA chairman Benjur Abalos sa ilalim ng Alert Level 3 ay mas pinababa lamang ang capacity sa mga establishment at mas hinigpitan ang restrictions upang maiwasan ang muling pagtaas ng bilang ng infections.

Isinalang-alang din ang kapakanan sa kalusugan ng mga unvaccinated individuals na pangunahing tinatamaan ng virus at minsan pa ay nagiging severe dahil sa kakulang ng proteksyon laban sa COVID-19.

Pangunahin sa mga hinigpitan ang mga wala pang bakuna kung saan bawal silang lumabas, bawal sila sa mga dine-in restaurants, contact sports, fun fares, at sa mga crowded areas.

Nilinaw ni Abalos ang interzonal at  intrazonal travel ay papayagan na mayroon regional restrictions na ipatutupad ng mga LGUs at ito’y pansamantala lamang habang umiiral ang pilot implementation ng Alert Level 3.