Nagsagawa ng isang fluvial protest noong Biyernes ang mga miyembro ng komunidad at clean energy advocates sa lalawigan ng Quezon bilang isang simbolikong aksyon laban sa operasyon at pagpapalawak ng coal-fired power plants sa kanilang lugar.
Isinagawa ang protesta bilang bahagi ng National Day of Action Against Coal na pinangunahan ng broad energy at climate advocacy networks na Power for People Coalition (P4P) at Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), kung saan nakiisa ang pamayanan at mga organisasyon upang hilingan ang kanselasyon ng coal project sa pipeline.
“We have long suffered the presence of coal power plants in the name of progress. But we do not benefit from these plants. All we got are sick residents, a ruined environment, and higher risks of destructive typhoons,” ayon kay Fr. Warren Puno, convenor ng Quezonwide environmental group “Quezon for Environment” (Queen) at director ng Ministry of Ecology of the Diocese of Lucena.
Aniya, sa katunayan ay labis na naapektuhan ang lalawigan sa pananalasa ng mga nagdaang bagyon Quinta, Rolly, at Ulysses. Sa kasalukuyan umano, ang lalawigan ay may tatlong coal-fired power plants na may naka-install na kapasidad na 2.2 GW at 3.6 GW na carbon sa pipeline.
“Kaming kabataan ng Atimonan ay lumahok sa National Day of Action dahil kinabukasan namin ang nakataya dito. Kami ang mapeperwisyo kung matutuloy ang mga pagtatayo ng coal plant dito sa Atimonan at iba pang bahagi ng Quezon. Hindi pa ba tayo natuto?” saad naman ni Bianca Opalda, youth leader ng KAPAKANAN.
Ginanap ang fluvial action sa Atimonan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA