January 23, 2025

MGA PULITIKO SA BATANGAS DAPAT MAG-INGAT KAY ALYAS “LOGAN”

“You cannot found the honesty to the cheap people” ito ay isang kasabihan na ating nababasa palage sa social media subalit ito ay may katotohanan lalo na kapag tayo ay nakakaranas ng panloloko o pagtataksil ng isang kaibigan o kasama sa ating propesyon.

Nakilala ko si alyas “Logan” na isang DJ sa radyo dito sa batangas mahusay at magaling ang “tarantado” este talentado dahil hindi lang ito disc jockey bagkus magaling din itong magvoice over at maghost sa mga event komo nun una ay magaling makisama at magaling bumoka nakasama natin itong si Logan sa mga press conference at pag-i-interbyu sa mga alkalde at mga opisyal ng lalawigan lalo na sa Provincial Engineering at DPWH para naman maging observer sa mga ginagawang project biddings at mga naipapatayong mga gusali at daan na proyekto ng mga nabanggit na ahensya.

Naipakilala ko din siya sa aking kaibigan na si Mabini, Mayor Noel “Bitrics” Luistro, na nuon ay nagbabalak manilbihan bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng batangas mula nuon ay nagplano kami ni logan para sa mga maitutulong namin na istratehiya sa pangarap na maging congressman ni Mayor “Bitrics” subalit sa di-inaasahan na pangyayari ay sinubok ng tadhana ang tatag ng alkalde ng bayan ng Mabini at kinasohan ito ng mga pekeng paratang laban sa kanya at duon ay unti-unting lumayo at umiwas na sa akin si logan at nakita ko na lamang na madalas na siyang lumalapit sa kampo ni incumbent 2nd District Congressman Raneo Abu, dahil nakikita ko ang mga post ni logan sa social media kasama si cong. “Rany”  Abu, subalit nalaman ko na lamang ngayon taon ay lumipat ng bakod itong si alyas “Logan” at nasa kampo na siya Atty. “Nick” Conti bilang broadcaster sa social media ng KAKAMPI at tayo ay inalok na sumama sa kanilang grupo at ako ay tumanggi sa kadahilanan na hindi ko kilalang personal si “Nick” Conti at palibhasa ay kaibigan ko ang mayor ng Mabini, Batangas ay inalam ko muna kung ito ay may plano pang tumuloy sa kanyang pangarap bilang kongresista at duon kami ay nagplano na para sa aming pagpapakilala sa kanyang maybahay na kapalit ni mayor luistro para sa kanyang plano na si Atty. Jinky “Bitrics” Luistro upang maging pambato bilang kinatawan ng ikalawang distrito.

Simula nuon ay nakarinig na tayo ng mga panlalait sa programa sa social media ni logan at ng kanyang kapartner na si Rey Parto Jr., na meron naman kasaysayan na pinatayan ng mikropono at pinababa ng istasyon ng radyo dahil sa pamemersonal sa mga kaibigan ng may ari ng istasyon ng radyo.

Nagtataka lamang ako sa tinatakbo ng programa nitong si alyas “logan” at rey pakto este parto jr., kung bakit palage na lamang mga banat kay cong ranie abu at sa mga “Bitrics” ang sistema ng programa ng dalawang inutil na bugok na “KUMAINTARISTA” at mga hao siao na ito sa social media alam din kaya ni Cong. Ranie na ang dati niyang tinanggap at pinakiharapan ng maayos sa kanyang balwarte na si “Logan” ang siya ngayon PASIMUNO ng paghalukay ng ibabanat sa kanya at sa kanyang anak na si Dra. Reinalyn Abu para bumaba ang kanilang ratings at maiangat si Atty. “Nick” Conti at isa pang atin ipinagtataka ay bakit kaya pirmi na lamang isinumbong sa atin nuon bilang kolumnista nitong si logan javier ang barangay chairman ng Brgy. Sampaguita sa Lipa City, Batangas na si Kap. Joonie Zara na isa umanong gambling lord at pasimuno ng mga iligal na sugal sa kanyang nasasakupan? palibhasa ay sumbong ng isang media tayo ay napaniwala subalit nalaman natin na matinong barangay chairman pala si kap joonie ayon sa ating pagtatanong sa mga kakilala sa bayan ng lipa city kaya’t palaisipan sa akin bakit sinabi ni logan na “gambling lord” ang matinong barangay kapitan?

Tunay ngang “No Friends Forever in Politics” kaya paalala natin sa mga pulitiko dito sa Batangas kilatisin mabuti ang layunin sa inyo ni alyas “Logan” at baka sa sunod ay kayo naman ang kaniyang birahin at iwanan kapag hindi napagbigyan sa kaniyang mga nais hanggang sa muli.