BENTANG-BENTA ang mga produkto ng mga Bicolano sa ginanap na 31st Orgullo kan Bikol (OKB) Regional Trade & Travel Fair noong nakaraang Oktubre 9-13, 2024, na nakalikom ng P28 milyon na kita, mas mataas ng 9% sa kanilang target na P25 milyon.
Kabilang sa mga naging mebenta ay ang Wearables & Homestyles, Furniture, Process Foods at mahigit sa 210 bagong prudukto.
Patunay lamang ito ng ebolusyon ng mga produkto na gawang Bicol at commitment ng Bicolano micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa intensive product development interventions (ProDev) na ginawa bago ang exhibit.
Inulat din ng 111 exhibitors na umabot na sa international market ang kanilang mga produkto dahil nag-e-export na sila sa United States, Canada, Japan, Korea, Europe at iba pa.
Habang naghahanda ang mga mamimili para sa holiday season, ang mga wearable at homestyle ay umabot ng higit sa PHP20 milyon, o 74% ng mga nabuong benta. Kabilang dito ang mga dekorasyong pamasko at iba pang regalong gawa sa abaka at iba pang lokal na raw materials.
Nitong nakalipas, pinarangalan ang top sellers sa nakaraang OKB fair sa closing ceremony noong hapon ng Oktubre 13, 2024. Ang mga top sellers ay ang Jireh Food Products ng Camarines Norte for Processed Food, and Gold Jewel Crafts na galing din sa Camarines Norte for Wearables & Homestyle.
Ang “Most Innovative Product” awards ay iginawad din sa Putsan Ceramics Association, Inc. (ceramic rice storage) from Albay para sa Wearables & Homestyles at sa Phenomenon Group, Inc., / Querica (Pili Nut coffee) mula sa Camarines Sur para sa Processed Food.
Samantala, ibinigay ang award para sa Best in Creative Visual Merchandising sa Crave Cacao Orchard mula Camarines Sur para sa Processed Food at Shelmed Cottage Treasures mula Albay para sa Wearables and Homestyles.
Ang naturang proyekto ay isang joint project ng OKB Association, Inc., kung saan ang OKB fair ay naging institusyonal sa paglipas ng mga taon bilang pinakamatagal na organisadong trade fair ng DTI sa Pilipinas.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)