November 24, 2024

MGA PINOY SA UKRAINE
SAPILITANG ILILIKAS


Sapilitan nang ililikas ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Ukraine dahil sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng Eastern European state at Russia.

Due to the rapidly deteriorating security situation in Ukraine, the Department of Foreign Affairs has raised the crisis alert level for all areas in Ukraine to Alert Level 4 (Mandatory Repatriation),” ayon sa DFA.

Sa ilalim ng Crisis Alert Level 4, magsasagawa ang gobyerno ng mandatory evacuation at siyang gagastos para rito.

“Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation,” saad ng DFA.

Patuloy na binabantayan ng DFA ang political at security developments sa Ukraine matapos sakupin ng Russia ang dating Soviet state.

Mahigit sa 300 Filipino ang namumuhay at nagtatrabaho sa Ukraine.

Marami sa kanila ang nailikas na habang 141 pa na Filipino ang nasa Ukraine, ayon sa DFA.

Pebrero 24, 2022 nang simulan ng Russia ang pag-atake sa Ukraine.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin na humingi sa kanya ng tulong ang mga separatist leader ng Donetsk at Lugansk regions para pigilan ang pag-atake umano sa kanila ng puwersa ng Ukraine.