TUMAAS ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng pagkagutom noong unang kwarter ng 2024 base sa lumabas na survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Marso 21 hanggang 25 ng kasalukuyang taon.
Base sa survey, 14.2% ng mga pilipino ang nakaranas ng involuntary hungger, tumaas ito ng 1.6 puntos kumpara sa findings noong huling kwarter ng 2023 na nasa 12.6%.
Tinukoy ng SWS ang involuntary hunger na pagkagutom at gutom at walang anumang makain sa isang pagkakataon sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa SWS, pinakamataas ang involuntary hunger sa mga pamilyang Pilipino sa Metro manila na nasa 19%, sinundan ng Balance Luzon (15.3%), Visayas (15%), at Mindanao (8.7%).
Bumaba naman ang involuntary hunger sa Mindanao mula sa 12% sa 8.7% na lamang.
Ang resulta ng survey mula sa SWS ay taliwas naman sa nauna ng survey mula sa OCTA na bumaba umano ang hunger rate sa bansa noong unang kwarter ng 2024.
Kung saan 11% o 2.9 million pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger, mas mababa ito ng 3% kumpara sa 14% o 3.7 million households na naitala noong huling kwarter ng 2023.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA