November 23, 2024

MGA PINOY NA MAY HIV LUMOBO; 82 PATAY

Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga Pinoy na nagkakaroon ng HIV o human immunodeficiency virus infection.

Noong Marso, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,410 na mga bagong kaso.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na sa mga bagong na-diagnose, nasa edad 28 ang average ng mga tinatamaan.

Napag-alaman din na walo naman mula sa 10 ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa nito lalaki.

Sa pinakahuling ulat naman, 82 na ang nasawi sa HIV.