December 23, 2024

Mga Pilipino, dapat maging mapanuri sa nakakalap na mga balita sa gitna ng global tensions’— IDSI

Nilinaw ng mga eksperto na maging maingat ang sambayanang Pilipino kaugnay sa balitang global tensions. Ito’y bunsod ng namumuong tension sa pagitan ng superpowers na mga bansa— ang US at China.

Binalaan ng development experts na maging mapanuri at maingat ang mga Pilipino sa impormasyong nakukuha sa media.

Ayon kay developmental expert George Siy ng Integrated Development Studies Institute (IDSI); tinuran niya sa idinaos na webinar na may pinamagatang: Brink of War? How Filipinos Should Position to Benefit! — na ang Pilipinas ay hinihimok ng lumalaking ‘false flags’ dahil sa Philippine media. Na nakalalason sa isipan ng mga Pilipino ang impormasyong hatid ng ibang mamamahayag.   

Aniya, pinaghahalo ang totoo, kasinungalingan at propaganda sa pagbabalita. Inuugnay ang pangyayari na katulad sa iba pang pangyayari na may halong bias. Na ang resulta ay nagpapa-alab sa damdamin ng sambayanang Pilipino.

 “[Those] are not always outright lies; but include managed information that are magnified, applied with bias, or timed to coincide with a national event, ignoring contrary information or normal perspectives, to whip up emotions,” ani Siy.

These types of news are dug up “whenever the Philippines and China have some relationship-building occasion coming up”.

Kabilang sa mga eksampol ng ‘false flag’ news ay ang lumabas sa Inquirer. Kung saan, nakasaad na nagdonate ang Pilipinas ng emergency medical supplies sa China. Ito ay nalathala sa galagitnaan ng buwan ng Marso 2020; kung saan nagdeklara ang bansa ng enhance community quarantine dahil sa pandemic outbreak.

Aniya, sa katotohanan— ang donasyon ay ipinadala talaga noong buwan ng Pebrero bilang tanda ng pagkakaibigan (token of friendship) sa kasagsagan noon pandemya sa China.

Dinagdag pa ni Siy na may ilang okasyon na pinalalabas na sinasakop na ng China ang Pilipinas.

Noong June 2019, ang balita tungkol sa insidente pagbebenta ng bandila ng China sa Luneta— ay naging tampok bilang headlines sa mga pahayagan at online news. Kalaunan, lumabas ang katotohanan. Kung saan, inamin ng mga vendors, na ang mga bandila ay sinusuplay ng ilang Pilipino— at binabayaran sila upang ibenta ito. Salamat na lamang sa CCTV footage at ng masusing imbestigasyon ni National Parks Development Committee Penelope Diaz Belmonte

It is not unusual to sell flags, shirts, caps, etc. of different countries on occasions, although normally the host country flag is also sold. The point not being that it is right, but that it happens, and has on occasions been shown to likely have been planted,” ani Siy.

There’s always something that comes up and it’s always by the same people, from the same sources.”

May lumalabas na isyu na nasa balag ng alanganin ang katayuan ng bansa kaugnay sa tension ng US at China. Aniya, ito ay isa lamang minor issue.

Gayunman, ang sitsit tungkol sa hybrid wars ay maaaring makaapekto sa developing countries gaya ng Pilipinas. Subalit, labas na aniya rito ang bansa at hindi dapat makialam sa sigalot.

 “We should be circumspect about what we believe in, let’s not get drawn into a fight that is not ours,” ani Siy.

Idinagdag pa development expert na karamihan sa international media sa US,  ay may patterns of output upang i-demonize o pasamain ang imahe ng China.

This is a trade war and currently, the US is on top. All these efforts are from them wanting to stay on top. [But as data suggests] within 15 years, China is going to double its economy and will be more than double the size of the U.S. economy.”

Nilinaw din ni Siy na ang mga ginawa ng China sa bansa, kagaya ng loans— ay walang anumang kapalit o hidden agenda kung ano ang kapalit ng mga ginawang tulong.

China does not want the Philippines as a province, neither does the U.S. The cost of managing it will be far higher than just doing business with, traveling to, paying for each other’s goods and services. Philippines’ GDP, at 360 billion USD in 2019, is less than 2.7 percent of China’s GDP, less than half a year’s 6 percent growth; it is less than 2 percent of US GDP. Philippines’ value is strategic in physical position, we should use that to our advantage,” aniya.

Sa halip aniya na magpicking sa trivial matters ( maniwala agad sa mga bali-balita), dapat na tutukan ng bansa (at ng taumbayan) ang high value yielding activities. Gayundin ang pagtutok sa pamamahala ng domestic issues sa pangkalusugan, korapsyon, logistics, plano sa imprastraktura, isyu sa kapaligiran at pagpapaunlad ng kalakalan.