Binasura ng COMELEC 2nd division mga Cabalen ang petisyon na idiskuwalipika ang candidacy ni BBM. Wala yatang kadala-dala ang mga petitioners sa natatamo nilang kabiguan. At ang masasabi pa natin dyan, ilan mang petition ‘yan ay alaws din. Mababasura rin, mga Cabalen.
Bakit kanyo, hin di kasi pwedeng i-revised ng Comelec ang pasya ng Court of Appeals (CA). Na ang pasya ‘failure to file’ lang ng tax (ITR). Hindi ito conviction, ano po. Kasi, kapag matitikas na mga lawyers talaga ang nagsabi, maniniwala ang ilan. ‘Yung nagnanais lang na makabukol kay Bongbong Marcos. Tsk!
Hindi kasama sa pasya ng korte na hindi na maaaring tumakbo sa anumang posisyon si BBM. Na hindi niya ito dapat gawin habang siya’y nabubuhay. Pero, di naman kasama sa hatol yun ng korte.
Therefore, fine lang ang hatol sa kanya. Maliwanag po, fine lang o multa. Hindi convicted. Hindi ang pinangangalandakan ng iba. Kahit maglumpasay sila sa kalye para magpetisyon, wala ring mangyayari.
Nagampanan naman na ni BBM ang kanyang kakulangan. Tapos na yun.
Kung ipipilit nila at makakalusot ang kaso, aba’y suntok sa buwan ‘yan. Dahil kung susundin nila ang proseso ng pagdinig dyan ay aabutin sila ng 2 taon. Tapos na ang halalan at may nanalo na bago ibaba ang desisyon ng korte.
Pero, pilit inuungkat ng iba para sirain siya sa taumbayan. Ibigay sa tao ang demokrasyang piliin ang nais nilang kandidato.
Dahil kung alam nilang malakas ang manok nila, hindi sila dapat kabahan. O sirain ang imahe ng taong katunggali nila sa posisyon. Itigil na ang maruming propaganda at gimik.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!